Pormal nang nilagdaan ni bagong Laguna Governor Sol Aragones ang kanyang kauna-unahang Executive Order (EO) na nagbabawal sa anumang asal na masungit, bastos, o walang galang mula sa mga healthcare workers — lalo na sa mga pampublikong ospital sa lalawigan. Isa ito sa kanyang pangunahing campaign promise kaya agad niyang ipinasa ang kautusan sa unang araw ng panunungkulan.
Ayon sa Laguna Provincial Information Office, inilagay na rin ang mga poster na may mensaheng “BAWAL ANG EMPLEYADONG MATATARAY” sa siyam na district hospitals bilang paalala.
Bagamat may disiplina, kinikilala rin ni Aragones ang pressure at kakulangan sa staff bilang posibleng dahilan ng pagiging iritable ng ilang empleyado. Kaya’t nangakong tututukan niya ang healthcare system ng Laguna sa buong termino niya.
Matatandaang tinalo ni Aragones ang tatlong matitinding kalaban sa eleksyon noong Mayo 12 — sina Rep. Ruth Hernandez, Rep. Dan Fernandez, at dating Vice Gov. Karen Agapay. Dating ABS-CBN reporter si Aragones bago pumasok sa pulitika noong 2013. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV