Sa wakas, nagsalita na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, handa siyang sumama sa dating pangulo sa kulungan ng International Criminal Court (ICC) matapos tanggihan ng Korte Suprema ang kanilang hiling na agarang Temporary Restraining Order (TRO).
Mariing itinanggi ni Dela Rosa ang haka-hakang nagtatago siya at sinabing hindi siya tatakas sakaling maglabas ng warrant laban sa kanya. “Kung wala nang remedyo sa batas, hindi ko hahayaan na maghirap ang pamilya ko sa pagtatago,” ani Bato.
Ramdam umano niya ang matinding pagtataksil ng kasalukuyang administrasyon sa pagsuporta sa pag-aresto kay Duterte. “Mas atat pa sila sa ICC na hulihin si Tatay Digong,” galit na pahayag ni Dela Rosa.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng ICC at inaasahang may karagdagang arrest warrants na ilalabas laban sa iba pang opisyal na sangkot sa madugong drug war.
Sa kabila ng lahat, tiniyak ng Palasyo na makikipagtulungan sila sa Interpol kung may iba pang arrest warrants na ipalalabas. Ngunit hanggang ngayon, walang balak ang Pilipinas na muling sumali sa ICC. | via Lorencris Siarez | Photo via msn.com
Bato itinangging nagtatago, handang sumama kay Duterte
