Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12232 na layong iurong ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2026 mula sa orihinal na petsa nitong December 2025.
Sa ilalim ng batas na ito, palalawigin din ang termino ng BSKE officials sa apat na taon.
Lilimitahan na rin sa tatlo ang termino ng incumbent barangay officials habang isang termino naman sa SK officials.
Inatasan na rin ang Commission on Elections (Comelec) na ilatag ang rules and regulations kaugnay rito.
#D8TVNews #D8TV