Bantag, Ang at Co, maaaresto sa lalong madaling panahon —DILG Sec. Remulla

Gagamitin umano ng gobyerno ang lahat ng resources nito para maaresto sina dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag, negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang at dating congressman Zaldy Co sa lalong madaling panahon.

Una raw dito ang matagal nang pinaghahanap na si dating Bucor Chief Bantag na napag-alamang nagtatago sa kabundukan ng Cordillera Region kung saan mayroong nakatutok na tracker teams.

Sumunod naman na pinaghahanap ng batas ay ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, ang itinuturong mastermind sa pagkawala ng mahigit isangdaang sabungero.

Paliwanag ni Remulla, naka alerto na ito sa counterpart ng Philippine National Police sa lahat ng Southeast Asian countries.

Natanggap kasi sila umano ng impormasyon na maaaring sa Cambondia ito nagtatago.

Anya, nagkaroon ng e-sabong operations si Ang sa Cambodia kung kayat may sarili na itong gaming outfit doon.

Base kasi sa immigration bulletin ng Bureau of Immigration, hindi namataan na dumaan sa lahat ng airport sa Pilipinas ang negosyante kayat pinaniniwalaan na dumaan ito sa back door.

Sa kaso naman ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, tukoy na nila ang eksaktong komunidad na pinagtataguan ng dating mambabatas sa Lisbon, Portugal.

Ayon kay Remulla, maihahambing ang kinaroroonan ni Co sa Forbes Park sa Pilipinas kung saan hindi basta basta maaaring pasukin ang lugar. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *