Banggaan ng dalawang bus sa EDSA Bus Carousel, 31 pasahero sugatan

Sugatan ang 31 katao matapos magsalpukan ang dalawang bus sa EDSA Bus Carousel nitong Lunes ng gabi, bandang 9:30 p.m., sa pagitan ng Guadalupe, Makati, at Boni, Mandaluyong.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabangga ng isang bus ang nasa unahan nito, na nagresulta sa matinding pagyanig. Agad na dinala sa ospital ang mga sugatan, na pawang nagtamo ng minor injuries.
Rumesponde ang Philippine Red Cross, MMDA, at PNP sa insidente. Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente. | via Lorencris Siarez | Photo via MMDA Media Group

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *