Ligtas at maayos ang naging pagbubukas ng School Year 2025-2026 sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Kahapon, June 16 ay pinangunahan ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang pag-iikot sa Metro Manila para masiguro ang seguridad at kahandaan ng ilang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela.
Kabilang sa binisita ng PNP chief ang Batasan Hills National High School at President Corazon Aquino Elementary School.
Inatasan naman ni Torre ang lahat ng police commander na paigtingin pa pagtitiyak sa kaligtasan ang mga mag-aaral.
Nag-deploy ang PNP ng 37,740 personnel sa buong bansa na magbabantay sa police assistance desk malapit sa mga paaralan.
Patuloy namang hinikayat ng PNP ang publiko na agad na i-report ang anumang uri ng emergencies o concerns sa pamamagitan ng 911 at tiniyak ang agarang 5-minute response time ng ating mga kapulisan. | via Alegria Galimba
#D8TVNews #D8TV