Umarangkada na ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes, June 16 2025
Handang handa na umano si Education Secretary Sonny Angara sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong taon
Sa ulat ayon kay Dennis Legaspi, Media Relations chief ng Office of the Secretary ng DepEd, tinatayang 27 million ang bilang ng enrollment sa Deped ngayong taon
Samantala, ang Epifanio delo Santos Elementary School ay nakatakdang bisitahin ni Angara kasama si pangulong Ferdinand Marcos, alas 9 ng umaga ngayong araw
Ito ay upang makita umano ang sitwasyon ng pagbubukas ng klase
Kaugnay nito, pinadali na at ginawang cost-effective ng Deped ang pamamaraan ng pag-enroll sa basic education.
Ang pamamaraan na ito ay upang mapadalang na lamang ang pagsusumite ng birth certificate ng kanilang mga anak sa buong k-12 education
Tugon din ito aniya sa mga reklamo ng mga magulang hinggil sa paper requirements at missing records kaya’t minabuti nilang gumawa ng panibagong panuntunan para mabawasan ang gastos at hassle para sa mga magulang at pamilya. | via Ghazi Sarip | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV