Bahagi ng old public market sa Puerto Princesa, nilamon ng malaking sunog

Sumiklab ang malaking sunog sa may lumang public market sa Puerto Princesa, Palawan nitong Miyerkules, January 28.

Ayon sa opisyal na oras na inilabas ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-12:07 ng tanghali at dulot ng malakas na hangin, mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na mga tindahan hanggang sa unti-unti nitong nilamon ang mga istraktura sa kabilang bahagi ng kalsada sa Bonoan Road.

20 na mga tindahan ng gulay, plastic, at ukay-ukay ang nilamon ng apoy na nagdulot ng panic sa publiko.

Ilang naka-park na sasakyan din ang nasira.

Kaagapay ang Tactical Operations Wing West of the Philippine Air Force na nagpadala ng fire truck at Sokol helicopter, nagboluntaryong tumulong ang mga tao sa pagpatay ng apoy.

Idineklarang fire under control ang sunog bandang alas-2 ng hapon ngunit tuluyan lang itong naapula pagkatapos ang humigit-kumulang pitong oras.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung saan ito nagsimula.

Tinatayang milyon-milyon ang posibleng pinsala nito.

Sa ngayon, walang naitalang nasawi o lubhang nasugatan ang BFP dahil sa sunog. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *