Bagyong Verbena, patuloy na lumalakas ang habang papalayo sa Pilipinas

Patuloy na lumalakas ang bagyong Verbena, na naging tropical storm nitong Martes ng gabi at inaasahang aabot sa severe tropical storm category ngayong hapon, ayon sa PAGASA.


Taglay ni Verbena ang 85 kph na lakas ng hangin malapit sa gitna at 105 kph na bugso.

Huli itong namataan sa layong 130 km kanluran ng Coron, Palawan, habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.


Gale-force winds ang mararanasan sa Calamian Islands at hilagang dulo ng mainland Palawan (El Nido at Taytay), kaya naka-Signal No. 2 dito.

Samantala, Signal No. 1 naman sa Occidental Mindoro at hilaga at gitnang bahagi ng Palawan (Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa), kabilang ang Cuyo at Kalayaan Islands.


Dahil sa kombinasyon ng Verbena at amihan, asahan ang mahahangin na kondisyon sa malaking bahagi ng Luzon, pati Aklan, Antique, Capiz, at Negros Occidental.

May gale warning din sa mga baybayin ng hilagang Luzon at kanlurang baybayin ng timog Luzon.


Inaasahang dadaan ang bagyo sa hilaga ng Kalayaan Islands ngayong araw at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *