Nagbabala ang PAGASA ng malalakas na hangin at malakas na ulan sa Batanes, na ngayon ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2.
Ang bagyong Salome ay huling namataan sa karagatang sakop ng Sabtang, Batanes, at kumikilos pa-timog timog-kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay nito ang hangin na umaabot sa 65 kph malapit sa gitna at bugso hanggang 90 kph.
Nananatiling may Signal No. 1 sa kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan, Dalupiri, Babuyan) at sa hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City).
Patuloy ring may gale warning o babala sa malalakas na alon sa hilagang karagatan ng Luzon.
Inaasahan ng PAGASA na dadaanan o dadaan malapit sa Babuyan Islands at Ilocos Norte ang bagyong Salome ngayong araw.
Sa susunod na 12 oras, posibleng humina ito bilang tropical depression, at tuluyang maging remnant low pagsapit ng Biyernes. | via Allan Ortega
