Bagyong Ramil, papalabas na ng PAR

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon habang papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Lunes ang Bagyong Ramil, ayon sa PAGASA.


Ayon sa ulat, ang bagyo ay huling namataan 350 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur, taglay ang hangin na 65 kph at bugso hanggang 80 kph, kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.


Asahan ang malalakas na hangin sa mga lugar sa ilalim ng Signal No. 1 gaya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, bahagi ng Pangasinan, Abra, at kanlurang Benguet kabilang na ang Baguio City.


Magdadala rin si Ramil, kasama ng easterlies, ng malalakas hanggang bugso ng hanging gale-force sa Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, at Occidental Mindoro.


May mababang hanggang katamtamang panganib ng storm surge (1–2 metro) sa mga baybayin ng La Union, Pangasinan, Zambales, at Bataan sa loob ng 12 oras.


Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil delikado pa ang karagatan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *