Pumapaspas ang Severe Tropical Storm Opong (Bualoi) habang patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran at kasalukuyang papalapit sa Romblon, ayon sa PAGASA kaninang alas otso ng umaga, Biyernes, Setyembre 26, 2025.
Namataan ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Mandaon, Masbate, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 kmph malapit sa gitna at bugso na hanggang 150 kmph. Kumikilos ito sa bilis na 30 kmph.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa ilang bahagi ng Bicol, Quezon, Marinduque, Romblon, Mindoro, Batangas, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa inaasahang storm-force winds na maaaring magdulot ng matinding pinsala.
Nakataas din ang TCWS No. 2 sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga, Bataan, at iba pang lugar, habang nasa ilalim ng TCWS No. 1 ang ilan pang probinsya sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Bukod sa malakas na hangin, nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng storm surge na maaaring umabot sa 1 hanggang 3 metro sa mga baybaying dagat ng Bataan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at ilang bahagi ng Visayas.
Inaasahan ang posibleng pagtama o pagdaan ng bagyo sa Romblon at Mindoro sa loob ng 12 oras bago lumabas sa West Philippine Sea ngayong gabi. Nanatiling nakataas ang babala sa publiko na maging handa at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV
