Pumasok na sa lupa ang Bagyong Emong sa bahagi ng Agno, Pangasinan nitong Huwebes ng gabi, ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, nag-landfall si Emong bandang 10:40 ng gabi. May taglay itong lakas ng hangin na hanggang 120 km/h at bugso na aabot sa 165 km/h habang mabagal na kumikilos pa-silangan.
Inaasahang babaybay pa ito at muling magla-landfall sa La Union o Ilocos Sur ng madaling araw ng Biyernes. Pagkatapos nito, tatawirin ni Emong ang mabundok na bahagi ng Hilagang Luzon at lalabas sa Babuyan Channel sa umaga o tanghali ng Biyernes.
Bagama’t posibleng bahagyang humina si Emong dahil sa bundok ng Luzon, inaasahang mananatili ang lakas nito sa ikalawang landfall. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV.
