Ang dating Tropical Depression na si Crising ay naging Tropical Storm na ngayon na may international name na Wipha, ayon sa Pagasa. Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 335 km silangan ng Echague, Isabela, o 325 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
May lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 80 kph, habang kumikilos pahilaga-kanluran sa bilis na 20 kph. Inaasahang magiging Severe Tropical Storm ito sa Sabado ng umaga o hapon.
Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan at Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng Isabela, Apayao, hilagang bahagi ng Kalinga, hilagang bahagi ng Abra, Ilocos Norte at hilagang bahagi ng Ilocos Sur.
Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Abra, Ilocos Sur, Kalinga, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Mountain Province, Ifugao, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Polillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes at hilagang-silangang bahagi ng Camarines Sur.
Paalala ng PAGASA maghanda at bantayan ang susunod na update. Uulanin at posibleng magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang mga apektadong lugar. | via Allan Ortega