Bagyong Ada, magdadala ng maulang weekend sa Eastern Visayas at Bicol

Patuloy na kumikilos pa-hilaga ang Bagyong Ada habang nasa karagatan ng eastern Visayas.

Huling namataan ang bagyo sa layong 325 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometers per hour, pagbugsong hanggang 80 kilometers per hour, at kumikilos pahilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nakataas ngayon ang Signal Number 1 sa

  • eastern Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • eastern Masbate
  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar
  • Biliran
  • northern and central Leyte
  • eastern Southern Leyte
  • Dinagat Islands
  • At Siargao

Posible dumaan ang bagyo malapit sa Eastern at Northern Samar bukas at sa Catanduanes naman mula Sabado ng gabi hanggang Linggo, Enero 18.

Pagsapit ng Linggo ng gabi, inaasahang kikilos ito patungo sa silangan ng Bicol habang patuloy na humihina.

Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Samar at Bicol na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at maging ang pagbaba ng lahar mula sa Bulkang Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *