Humina na ang Bagyong Ada at isa na lamang itong tropical depression, ayon sa PAGASA ngayong Lunes, January 19.
May lakas pa rin itong hanging umaabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kph. Huli itong namataan 380 kilometers sa silangan ng Casiguran, Aurora, at kumikilos pa-hilagang-silangan sa bilis na 10 kph.
Sa ngayon, walang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal sa alinmang bahagi ng bansa.
Gayunman, ang amihan at ang panlabas na epekto ng Ada ay magdudulot ng malalakas hanggang mala-bagyong pagbugso ng hangin sa ilang lugar kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Ilocos Norte, Abra, Aurora, Polillo Islands, Camarines Norte at Sur, Catanduanes, at Northern Samar.
Ayon pa sa PAGASA, lalo pang hihina ang Tropical Depression Ada at inaasahang magiging low pressure area na lang pagsapit ng Miyerkules.
