Bagong talagang DBM-OIC, nangakong ipagpapatuloy ang mga reporma

Nangako si bagong talagang Officer-in-Charge Rolando Toledo na pangasiwaan ang Department of Budget and Management (DBM) nang may katatagan at integridad.

Ayon kay Toledo, ang halos apat na dekadang serbisyo niya ay nagsilbing paghahanda niya upang isakatuparan ang mga reporma at tiyakin na ang mga prayoridad ng Pangulo ay maipapatupad sa aktwal na mga programa at funding.

Dagdag pa niya, bilang isa sa pinakamatagal nang technocrat sa ahensya, ang kaniyang karanasan ang magiging gabay niya sa pamumuno higit Lalo sa panahong ang national budget ay mainit sa mata ng publiko.

Tiniyak naman ni Toledo na hindi lamang sisikaping maipagpapatuloy ang mga isinusulong na reporm, kundi pagtitibayin pa ito. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *