Bagong PTV station sa Marawi, panlaban sa fake news

Malugod na tinanggap ng mga opisyal ng Lanao del Sur ang pagbubukas ng P49-milyong People’s Television (PTV) regional center sa Marawi City ngayong linggo.

Ayon kay Governor Mamintal Adiong Jr., magsisilbi itong makapangyarihang plataporma para ipalaganap ang totoong balita, iwaksi ang disinformation, at ipakilala ang kultura, ganda, at turismo ng kanilang lalawigan. “Mas malakas na ang boses ng Marawi,” ani Adiong.

Suportado rin ito ni Marawi City Mayor Majul Gandamra na nagsabing malaking tulong ang bagong regional center para sa patas at malinaw na pagbabalita sa mga proyekto ng pamahalaan sa lugar.
Nagsimula ang usapan ukol sa proyekto noong 2022, at ngayong Enero lang sinimulan ang implementasyon.

Kasama rin sa inauguration si PTV General Manager Atty. Robert Doller na nagsabing malinaw ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — dalhin ang makabuluhang impormasyon at mga programa ng gobyerno diretso sa mga mamamayan.

“Direktang sagot ito sa utos ng Pangulo,” giit ni Doller. | via Allan Ortega | Photo via LDS-PIO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *