Bagong pamantayan para sa BSKE 2026, inilabas

Nagtatag ng bagong pamantayan ang Commission on Elections para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong 2026.

Alinsunod sa Republic Act 12232, magiging apat na taon na ang termino ng mga elected Barangay at SK officials.

Sa ilalim ng batas, maaaring maglingkod ang Barangay officials ng hanggang tatlong magkakasunod na termino sa parehong posisyon, habang isang termino lamang ang pinapayagan para sa SK officials.

Ayon pa sa Comelec, ang mga incumbent Barangay officials na nasa ikatlong termino ay hindi na maaaring tumakbo para sa parehong posisyon sa BSKE 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *