Bagong lider ng Iran, sugatan

Wala pang isang linggo matapos maitalaga bilang bagong supreme leader ng Iran, hindi pa nagpapakita si Mojtaba Khamenei sa publiko, at walang inilabas na opisyal na pahayag.

Ayon sa tatlong opisyal ng Iran, sugatan si Khamenei sa kanyang mga binti sa araw ng pag-atake ng Israel at Estados Unidos. Sa kabila nito, siya ay alerto umano at nasa ligtas na lugar na may limitadong komunikasyon.

Tinawag ng state media at Komiteh Emdad si Khamenei bilang “wounded war veteran” o janbaz jang, na nangangahulugang beteranong sugatan sa digmaan.

Sa kabila ng kanyang pagkawala, makikita na ang kanyang mukha sa mga malalaking banner at mural sa kabisera ng Tehran. Patuloy rin ang mga seremonya ng suporta sa kanya sa iba’t ibang lungsod sa bansa. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *