Pinasinayaan na ang bagong Libmanan Station sa Camarines Sur nitong Setyembre 17, habang inaasahan namang bubuksan ang Naga–Lupi route sa Oktubre.
Ayon kay PNR Chairman Michael Ted Macapagal, bahagi ito ng utos ng Pangulo na dagdagan ang biyahe at eventually makonekta ang Bicol hanggang Laguna. Para sa mga taga-Libmanan at Lupi, malaking ginhawa raw ang bagong istasyon dahil mas maayos ang paghihintay at pagsakay.
Sabi naman ni PNR GM Deovanni Miranda, ang Naga–Lupi route ay may 47 km na haba, limang istasyon, at 11 flag stops. Aabutin ng 1 oras at 39 minuto ang biyahe.
Tuloy-tuloy rin ang trial runs para siguraduhin ang kaligtasan at maayos na kondisyon ng riles bago ang full operations sa Oktubre. | via Allan Ortega
