Nagbabala ang NDRRMC na posibleng tumama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga piraso ng rocket ng China na ilulunsad sa Hulyo 15-17.
Ang Long March 7 rocket ay inaasahang maglalaglag ng mga bahagi sa karagatan malapit sa 33 nautical miles mula Bajo de Masinloc, 88 NM mula Cabra Island, Occidental Mindoro, 51 NM mula Recto Bank at 118 NM mula Busuanga, Palawan.
Nagpaalala rin ang Philippine Space Agency na huwag lapitan o kunin ang mga debris delikado at maaaring lason ito.
Kapag may nakita, agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad o makipag-ugnayan sa
(+632) 911-1406 / 912-2665 / 912-5668, ndrrmoc@ocd.gov.ph at www.ndrrmc.gov.ph | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV