Ayuda para sa ‘individuals in crisis,’ kinurakot umano ng barangay officials sa Iloilo

14 na barangay at city officials sa lloilo City ang nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal at administratibo matapos umanong kupitan ang ayuda ng kanilang mga ka-barangay.

Pinipilit umano ng mga opisyal ang mga residente ng 16 na barangay na ibigay sa kanila ang malaking bahagi ng kanilang P10,000 ayuda bilang benepisyaryo ng Assistance for Individuals in Crisis (AICS).

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian bawat benepisyaryo ay kanilang hinihingan ng P8,000 hanggang P9,000—kaya P1,000 hanggang P2,000 na lang ang naiuuwi nila.

Binabantaan din daw sila na tatanggalin sa listahan ng mga benepisyaryo kapag nagreklamo.

Kasama sa mga reklamo ang grave misconduct, graft and corruption, abuso sa kapangyarihan, at paglabag sa code of conduct ng government official.

Pinangunahan ni Gatchalian ang pagsusumite ng mga kaso sa Ombudsman.

Ayon sa DSWD, iimbestigahan din nila ang mga report na nangyayari na ang modus ng mga opisyal noon pa mang pandemya. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *