Hiniling ni Atty. Neri Colmenares na baligtarin ang desisyon ng House Committee on Justice na ibasura ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya niyang isinampa kasama ang iba.
Ani Colmenares, “Hinihiling namin na kahit isang-katlo ng mga miyembro ay bigyan ang mamamayan ng pagkakataong malaman kung paano nagastos ang kanilang pampublikong pondo, at bumoto para baligtarin ang desisyon ng komite.”
Noong Miyerkules, 39 na mambabatas ang nagsabing kulang sa substansiya ang reklamo, na inendorso ng Makabayan bloc.
Magpupulong ang komite para bumoto sa kanilang ulat na ipapasa sa plenaryo. Ayon kay Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, abogado at chairman ng komite, maaaring mabago ang ulat kung susuportahan ito ng kahit isang-katlo ng lahat ng miyembro ng Kamara. | via Allan Ortega
