Kasalukuyang sinusuri ng Philippine National Police (PNP) ang mga kasong maaaring ihain sa mga pulis na di umano’y sangkot sa pagtakas ng gambling lord na si Atong Ang.
Ayon kay PNP Public Information Chief BGen. Randulf Tuaño, inatasan na ng ahensya ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na imbestigahan ang mga pulis na posibleng sangkot sa nasabing krimen.
Nang itanong kung kasama ba ang mga opisyal ng PNP sa mga iniimbestigahan, kinompirma ito ni Tuaño, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon.
Noong Huwebes January 15, isiniwalat ni Interior Secretary Jonvic Remulla na sinusubaybayan ng kanyang departamento ang apat na retiradong heneral na hinihinalang kasabwat din umano ni Ang.
Ang apat din na ito ang kinompirma ni Tuaño na iniimbestigahan ng PNP sa ginanap na pagpupulong. | via Kimberly Reyel
