Nagsampa na ng kaso ang businesman na si Atong Ang laban kay Julie “Dondon” Patidongan, o mas kilala bilang alyas “Totoy,” na unang nagdawit sa kanya bilang utak umano sa likod ng kaso ng mga missing sabungeros.
Kasama ni Ang ang kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan nang dumating sila sa Office of the City Prosecutor sa Mandaluyong City upang maghain ng complaint kay “Totoy”.
Nauna nang sinabi Atty. Kapunan, na ang paglabas ni “Totoy” sa publiko ay bunga ng pagkabigo ng umano’y tangka niyang extortion kay Ang, at nang mabatid niyang may kasong isasampa na laban sa kanya ang negosyante.
Idinawit din ni “Totoy” ang beteranang aktres at business partner ni Ang na si Gretchen Barreto, na sinabing alam na alam umano ng aktres ang mga pangyayari sa pagkawala ng mga sabungero, at nanawagan din umano ito sa aktres upang makipagtulungan sa kanya.
Matatandaang unang lumabas sa publiko si “Totoy” nang ibinunyag nito sa mga kaanak ng biktima na patay na ang mga nawawalang sabungero, at ipinatapon pa aniya ang mga bangkay nito sa Taal Lake. | via Clarence Concepcion
#D8TVNews #D8TV