Maaari nang maaresto anumang oras ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil sa pagiging utak umano nito sa likod ng pagkawala ng higit isandaang sabungero.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakabinbin na lang sa hukom ang pinal na pagsusuri sa kaso kaya pwedeng makulong si Ang bago mag-Pasko.
Ayon kay Remulla, lahat ng kaso laban kay Ang ay non-bailable o walang piyansa dahil sa seryosong mga paratang sa kanya tulad ng murder, kidnapping, at forced disappearance.
Noong December 9, Inirekomenda ng DOJ ang paghain ng 26 na kaso ng kidnapping laban kay Ang at 21 pang iba, kabilang ang 15 pulis, kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero mula pa noong 2021.
Gumulong ang imbestigasyon matapos ang testimonya ni Julie “Dondon” Patidongan na nagsabing dinukot, pinatay, at itinapon sa Taal Lake ang mga biktima sa utos umano ni Ang. Mariing itinanggi ng negosyante ang mga paratang. | via Allan Ortega
