Asian Youth Games 2025, pinakamalaki sa kasaysayan; 4,000 atleta, lumahok

Opisyal nang binuksan nitong Miyerkules ng gabi sa Bahrain ang ikatlong Asian Youth Games (AYG), na nilahukan ng mahigit 4,000 batang atleta mula sa 45 bansa at rehiyon sa Asya.


Tatagal ang palaro mula Oktubre 22 hanggang 31, tampok ang 26 sports at 232 events ang pinakamaraming bilang sa kasaysayan ng AYG.


Sa seremonya ng pagbubukas sa Sakhir, sinabi ni Shaikh Khalid bin Hamad Al Khalifa na ang mga laro ay simbolo ng pagkakaisa at karangalan ng kabataang Asyano, pati na rin daan sa pagdiskubre ng mga susunod na Olympic athletes.


Pinuri naman ng Olympic Council of Asia ang Bahrain sa matagumpay na paghahanda sa loob lamang ng walong buwan.

Ayon kay Timothy Fok, ito ang pinakamalaking youth games sa kasaysayan at “dito sisilang ang mga susunod na alamat ng Asia at Olympic.” | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *