Ashfall, bumabalot sa 32 barangay sa Albay

30,000 residente sa 32 barangay sa Albay ang apektado ngayon ng abo mula sa Bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, mas mabigat at malapot ang nangyaring ashfall dahil sa malakas na pyroclastic density current o uson kasabay ng lava flow sa tinaguriang Mi-isi gully sa Daraga.

Nagkaroon umano ng isang kilolemetro kataas na pluma ng abo dahil dito.

Sa 24 oras na monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ito walong volcanic earthquakes, 49 rockfall events at 43 na PDC.

Pinapayuhan ang mga residente sa loob ng 8-kilometer radius, lalo na sa southern at eastern slopes ng Mayon, na maghanda para mag-evacuate sakaling itaas ang sa Alert Level 4 ang babala sa Bulkang Mayon. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *