Ash eruption, naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros Island

Kung sa Mt. Mayon sa Albay ay may ‘crater glow’, isang ash eruption o pagbuga ng abo naman ang naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa siyamnaraang metro ang taas ng ash plume mula sa nag-aalboroto ring bulkan noong Miyerkules.

Nagsimula ang ash emission bandang alas tres ng hapon at tumagal ng halos apat na kalahating oras.

Nagbuga rin ng abo ang bulkan noong Martes ng umaga na may taas na 800 meters na tumagal naman ng tatlo’t kalahating oras.

Napapansing mas tumatagal ngayon ang mga pagbuga ng abo sa Mt. Kanlaon pero nananatili itong sa Alert Level 2.

Nananatili ang Notice to Airmen ng Civil Aviation Authority of the Philippines bilang babala na huwag lumipad malapit sa crater ng mga bulkang Mayon, Kanlaon, Bulusan at Taal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *