Asawa ni Rep. Suntay, humingi ng sorry

Naglabas ng pahayag si Sheila Guevara-Suntay upang linawin na hindi sila ng kanyang mga anak sumusuporta sa kontrobersiyal na pahayag ng kanyang asawa na si Quezon City Rep. Bong Suntay na tumukoy sa aktres at TV host na si Anne Curtis.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Guevara-Suntay na malinaw na hindi nila kinukunsinti ang naturang komento. Itinanggi rin niya ang kumalat na balita na tumawa umano siya sa insidente. Humingi rin siya ng paumanhin kay Curtis at sa pamilya nito.

Binigyang-diin din niya na ang bawat babae ay nararapat tratuhin nang may dignidad at respeto. Nanawagan din siya sa publiko at media na huwag idamay ang kanilang mga anak sa kontrobersiya.

Nag-ugat ang isyu sa isang pagdinig sa House of Representatives kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, kung saan ginamit umano ni Suntay ang isang sexually suggestive na analogy na nagdulot ng malawakang batikos online. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *