Arroyo ibinisto ang ‘Hundred Million’ flood control insertions sa 2026 budget

Ibinunyag ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na may nagtangkang magsiksik ng daan-daang milyong piso para sa flood control projects sa kanyang distrito sa proposed 2026 national budget at hindi raw ito galing sa kanya.


Ayon kay Arroyo, nalaman nila sa committee discussions na may nagpasok ng malaking alokasyon para sa 2nd district ng Pampanga. Agad naman daw itong tinanggal ng House Appropriations Committee matapos nilang linawin na hindi sila ang nagrekomenda nito.


Hindi na binanggit ni Arroyo kung anong proyekto sana ang sasaklawin ng naturang pondo, pero malinaw na ayaw niyang maiugnay sa anumang “insertions” sa budget. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *