Arrest warrant ni Dela Rosa, Pilipinas dapat ang final arbiter —Sen. Cayetano

Iginiit ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na ang korte sa Pilipinas ang dapat na huling tagahatol kung may warrant of arrest si Sen. Bato dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).

Ani Cayetano, lahat ng laro ay dapat may referee bilang paghahalintulad sa sitwasyon ni Dela Rosa.

Dagdag pa nito, marapat na may pagkakataon ang korte sa bansa at masunod ito.

Samantala, inamin ni Cayetano na hindi pa sila nagkakausap ni Dela Rosa magmula noong pumutok ang usapin sa arrest warrant.

Sa kabila nito, pinapayuhan niya itong maghanda dahil hindi umano ito first time nangyari matapos ang insidente kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *