Arrest warrant mula sa int’l community, ipatutupad

Nakahanda ang National Bureau of Investigation na ipatupad ang anumang warrant of arrest na maaaring manggaling sa international community.

Ayon kay NBI Dir. Atty. Melvin Matibag, bilang pangunahing investigating body at law enforcement agency ng bansa, may obligasyon ang NBI na tumugon sa mga kahilingan ng kanilang international counterparts.

Dagdag pa ng opisyal na may commitment din ang ahensya sa Interpol.

Ginawa ni Matibag ang pahayag matapos tanungin hinggil sa kahandaan ng NBI na ipatupad ang mga kahalintulad na aksyon ng pamahalaan kaugnay ng mga arrest warrant na inilalabas ng international bodies.

Ito ay kasunod ng naging hakbang ng pamahalaan matapos lumabas ang warrant of arrest laban kay ex-Pres Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court. | via Felix Laban, D8TV Stringer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *