Arraignment ni dating Sen. Revilla, ipinagpaliban sa Pebrero

Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 3rd Division ang nakatakda sanang arraignment ni dating Sen. Bong Revilla at anim na kapwa-akusado nito sa kasong malversation nitong Biyernes, January 23.

Kaugnay pa rin ito ng P92.8 milyong halaga ng isang ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Pinagpaliban ang pagbasa ng sakdal dahil kailangang desisyunan muna ang mga nakabinbing mosyon na inihain sa korte.

Kabilang na rito ang mosyong isinumite ng kampo ng dating senador na mailipat siya sa Camp Crame.

Bukod dito, naghain din ang mga akusado ng motion to quash para ipawalang-bisa ang kanilang arrest warrant at motion for leave for reinvestigation.

Itinakda ang arraignment ng alas-8:30 ng umaga sa February 9, 2026.

Pinagsusumite ang mga abogado ng mga akusado na isumite ang lahat ng kanilang mosyon hanggang January 26 para makapaghain ng komento ang prosekusyon sa January 28. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *