Ang mga nominado sa pelikulang Wicked na sina Cynthia Erivo at Ariana Grande, pati na rin si Lisa ng Blackpink, ay kabilang sa mga magtatanghal sa Academy Awards ngayong taon. Inanunsyo ng Oscars ang kumpletong listahan ng performers, kabilang sina Queen Latifah, Doja Cat, at Raye. Magkakaroon din ng espesyal na pagtatanghal ang Los Angeles Master Chorale.
Ngayong taon, hindi na itutuloy ang tradisyon ng live performances ng Best Original Song nominees. Sa halip, bibigyang-diin ang mga songwriter at lilikha ng tribute para sa Los Angeles matapos ang kamakailang mga wildfire.
Kabilang sa Best Original Song nominees ang “El Mal” at “Mi Camino” mula sa Emilia Perez, “The Journey” mula sa Six Triple Eight, “Like A Bird” mula sa Sing Sing, at “Never Too Late* mula sa isang dokumentaryo tungkol kay Elton John.
Dahil nominado sina Cynthia at Ariana bilang Best Actress at Best Supporting Actress, maaaring may musical performance mula sa Wicked gaya ng “Defying Gravity.” Ang ibang babaeng performers ay maaaring lumabas sa In Memoriam segment.
Gaganapin ang Oscars 2025 sa Marso 2 (Marso 3 sa Pilipinas) sa pangunguna ni Conan O’Brien bilang host. Nangunguna sa nominasyon ang Emilia Perez na may 13, ngunit inaasahang magpapakitang-gilas din ang Conclave at Anora. – via Allan Ortega | Photo via Yahoo.com
Ariana Grande, Blackpink’s Lisa kabilang sa Oscars 2025 performers
