Isang babae ang inaresto noong tanghali ng Huwebes, Mayo 8, sa Barangay 48-A, Laoag City dahil sa umano’y pagkakasangkot sa vote buying.
Rumesponde ang mga awtoridad sa ulat ng vote buying sa isang lokal na tindahan. Pagdating ng pulisya, ilang hindi pa nakikilalang indibidwal ang nagmadaling umalis sa lugar. Sa loob ng tindahan, naabutan ang babae na kalauna’y tinanong ng mga awtoridad. Bagamat itinanggi niya ang paratang, nakitaan umano ng pitong campaign flyers na may kalakip na tig-₱1,000 sa mesa ng cashier, ayon sa mga source.
Dahil dito, inaresto ang babae, binasa ang kanyang karapatan, isinailalim sa medikal na pagsusuri, at dinala sa himpilan ng pulisya. Wala pang pahayag ang Philippine National Police ukol sa insidente, at hindi pa kumpirmado kung kanino nakaugnay na partido ang naturang suspek. | via Dann Zand’te Miranda | Photo via Laoag City Police Station
#D8TVNews #D8TV