Isang 27-anyos na babae ang inaresto matapos umanong subukang ibenta ang kanyang 3-anyos na anak sa halagang โฑ30,000 sa online deal!
Isang entrapment operation ang isinagawa ng PNP, kung saan nagpanggap na “magulang” ang mga undercover agents para mahuli ang suspek. Ang bata sana ay kukunin pa mula sa Nueva Vizcaya.
Nang tanggapin ng suspek ang pera kapalit ng kanyang anak, agad siyang inaresto. Depensa niya, wala siyang pera at gusto lang niyang magkaroon ng magandang buhay ang bata sa ibang pamilya.
Ngunit mahigpit ang batas kontra child trafficking! Ngayon, nakakulong na ang suspek sa Camp Crame at tumangging magbigay ng pahayag. Samantala, patuloy ang PNP sa pagsugpo sa pagbebenta ng mga bata online. | via Lorencris Siarez | Photo via dreamstime.com
#D8TVNews #D8TV