Magpapatuloy ang epekto ng northeast monsoon o amihan at ng easterlies sa bansa ngayong Christmas eve, ayon sa PAGASA.
Makakaranas ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan ang Cagayan, Isabela, at Aurora dahil sa amihan.
Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, at Central Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may paminsan-minsang mahihinang ulan.
Dahil naman sa easterlies, aasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan sa Bicol Region at Quezon.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, posibleng magkaroon ng paminsan-minsang pag-ulan o thunderstorms.
