Apat na Pilipino pa ang hindi maberepika ang status matapos ang sunog noong Miyerkules sa isang high-rise residential complex sa Tai Po, Hongkong.
Pero nilinaw ng Department of Migrant Workers, hindi nangangahulugan na nasa lugar sila ng mangyari ang sunog na kumitil ng 151 na buhay. Higit apatnapu naman ang patuloy na nawawala.
Ayon sa DMW, sa residential complex umano ang huling official address ng apat na domestic worker.
Samantala, ibinigay na ng ahensiya ang mga benepisyo sa naulilang anak ni Maryann Pascual Esteban, ang single mother na tanging Pilipinong opisyal na naiulat na nasawi sa trahedya.
