Nagbukas ng mga gate ang apat na pangunahing dam sa Luzon Ipo, Ambuklao, Binga, at Magat para magpakawala ng tubig matapos ang ilang araw na matinding pag-ulan na pinalakas ng habagat, ayon sa PAGASA.
Ipo Dam sa Bulacan: Isang gate ang binuksan; ang lebel ng tubig ay 100.23m, malapit sa normal na 101.10m. Ambuklao at Binga Dams sa Benguet: Tig-pitong gate ang binuksan. Water levels ay halos umabot sa kanilang normal high levels na 752m (Ambuklao) at 575m (Binga). Magat Dam (Ifugao-Isabela): Isang gate din ang naglalabas ng tubig; water level ay 185.13m, habang ang normal ay 190m. Angat Dam naman ay hindi pa nakakabahala; ang level nito ay 202.45m, malayo pa sa spilling level na 210m. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV
