Mariing tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi kailanman palalampasin ang kahit anong pambabastos sa soberenya ng Pilipinas! Sa ika-127 anibersaryo ng Philippine Navy sa Subic, binigyang-diin ni PBBM ang pangakong ipagtatanggol ang karagatang sakop ng bansa, alinsunod sa international law.
“Wala tayong isusuko, wala tayong papabayaan,” mariing pahayag ng Pangulo. Binida rin niya ang lakas ng Navy bilang tagapagpanatili ng kapayapaan sa lupa at dagat, at pinuri ang tapang ng mga sundalo sa gitna ng tensyon sa rehiyon.
Sa parehong okasyon, pinangunahan ni Marcos ang pagbabasbas at pagsabak sa serbisyo ng dalawang bagong barko ng Navy — BRP Miguel Malvar at BRP Alber Majini — bilang bahagi ng tuloy-tuloy na modernisasyon ng Armed Forces.
Kasama sa plano ang pagpapalakas ng mga base militar sa strategic areas gaya ng Nabasan, Chiquita at Grande Islands, at Misamis Oriental. Layunin ng pamahalaan ang isang future-ready at matatag na hukbong dagat.
Ang tema ng anibersaryo: “Addressing Challenges, Promoting Regional Stability, and Strengthening Maritime Security.” Malinaw ang mensahe — handa ang Pilipinas, walang uurungan!… | via Allan Ortega | Photo via Radio Television Malacañang
#D8TVNews #D8TV
