Antipolo Super Health Center, iniimbestigahan ng DOH

Isang kumpletong pasilidad pero higit isang taon nang nakatiwangwang ang misteryong binubusisi ngayon ng Department of Health!

Iniimbestigahan ng DOH kung bakit nanatiling sarado ang Antipolo Super Health Center kahit natapos na noong 2024 at may sapat na pondo at kagamitan mula sa ahensya.

Ayon sa DOH, umabot sa ₱11.4 milyon ang inilaan para sa konstruksiyon, ₱6.4 milyon sa Phase 1 at ₱4.9 milyon sa Phase 2 bukod pa sa ₱7 milyon na halaga ng medical equipment na naibigay pa noong 2022 at 2023.

Ngunit lumabas sa kanilang monitoring report na ngayong linggo lamang nagbukas ang pasilidad at umano’y minadali pa matapos mabalitaan ng lokal na pamahalaan na bibisita si Health Secretary Ted Herbosa kasama ang media.

Dahil dito, nagsasagawa na ng internal review ang DOH upang matiyak na hindi nasasayang ang pondo ng bayan at agarang napakikinabangan ng mga residente ang mga Super Health Center.

Binigyang-diin ng DOH na bawat Super Health Center ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱12 milyon, kaya’t inaasahan nilang pabibilisin ng mga LGU ang pagbubukas ng iba pang natapos na ngunit hindi pa nagagamit na pasilidad sa buong bansa. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *