Pormal nang inihain nina House Speaker Bojie Dy at House Majority Leader Sandro Marcos ang House Bill 6771 o Anti-Political Dynasty Bill.
Layon ng panukalang batas na wakasan ang mga political dynasty sa bansa.
Sa ilalim ng panukala, pagbabawalang kumandidato o humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ang asawa, kapatid o kaanak hanggang fourth civil degree ng isang halal sa opisyal.
Matatandaang isa ang Anti-Political Dynasty Bill sa binigyang prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos na pag-aralan at pabilisin ang pagpasa sa panukalang ito.
Ayon sa Pangulo, layon nito na maisulong ang transparency, accountability, at political reforms. | via Alegria Galimba
