Anti-Kolorum Task Force, ilulunsad ng DOTr

Makikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa Department of Justice (DOJ) upang mahinto na ang paglaganap ng mga kolorum na sasakyan.


“Kung hindi natin masasawata ang laganap na kolorum [na mga sasakyan] sa bansa, malaki ang pangamba sa mga motorista,” ani DOTr acting Secretary Giovanni Lopez.

Bilang tugon sa suliraning ito, makikipagtulungan ang DOJ para buuin ang Anti-Kolorum Task Force.


“Pag kayo nahuli, either diretso na po ‘yan sa inquest or special operations talaga,” ani Land Transportation and Franchising Regulatory Board Chairman Atty. Vigor Mendoza II.

Panawagan naman ni DOJ acting Secretary Fredderick Vida, sa mga mananakay ay tangkilikin ang legal at sumunod sa batas.

Nilinaw naman ng LTFRB na ang unang pokus ngayong panahon ng kapaskuhay ay ang implication, ng education and information drive.

Kaugnay nito, ilulunsad din ng DOTR ang Oplan Isnabero, ito ay ang pagpapanagot sa mga TNVS drivers na umano’y tumatanggi sa booking nang walang sapat na dahilan.

Tiniyak naman ng mga ahensya na dadaan sa proseso ang lahat ng mapatunayang lumabag dito. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *