Maaari nang ihain online ang mga petisyon para sa annulment at deklarasyon ng kawalang-bisa ng kasal, ayon sa bagong patakaran ng Korte Suprema. Sakop na ito ng mandatory e-filing system sa lahat ng first at second-level courts sa bansa, sa ilalim ng Rule 13-A.
Bagama’t special proceeding ang annulment, ipinaliwanag ng Korte na ito’y itinuturing pa ring civil case, kaya pasok ito sa bagong digital filing system. Layunin ng hakbang na gawing mas mabilis, magaan, at accessible ang proseso para sa publiko.
Ayon sa DSWD, ang mga magulang na na-annul ang kasal ay itinuturing na solo parents at maaari nang makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Solo Parents Welfare Act. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV