Binuksan na ang animal care facility sa Olympia, Makati City na pinangunahan ni Mayor Abby Binay kasama ang iba pang opisyal ng lungsod.
Ang 2-storey facility ay may specialized room para sa mga Makatizen pets nating nangangailangan ng konsultasyon, operasyon at recovery.
May alok ding mga libreng serbisyo tulad ng bakuna, microchipping at pagkakapon.
Ayon kay Binay, itinayo ang pasilidad para masigurong natatanggap ng mga alagang hayop sa lungsod nararapat na pangangalaga para sa kanila.
