Anim na 4-car trains ng MRT-3, aarangkada na

Magsisimula na ang pilot run ng mga inilabas na anim na 4-car trains ng MRT-3 ngayong araw, Biyernes, October 17.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang layunin ng pag-deploy ng mga 4-car trains ay upang mapaikli ang paghihintay ng mga pasahero sa pagitan ng mga istasyon, at mabawasan din ang pagsisiksikan ng mga pasahero lalo na tuwing peak rush hours.

Ang kada 4-car train set ay kayang magsakay ng hanggang 1,576 na pasahero kada biyahe, mas mataas ng 394 na kapasidad kumpara sa regular na 3-car configuration.

Oobserbahan muna ng MRT-3 ang performance ng mga 4-car trains at sinabing mag-aabiso sila sa publiko kapag regular nang patatakbuhin ang mga nasabing tren. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *