Angara, tinanggihan ang panawagang mag-resign, tinawag ang mga alegasyon na ‘hearsay’

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na wala siyang nakikitang dahilan para magbitiw sa puwesto sa gitna ng sunod-sunod na resignations sa Cabinet.

Giit niya, puro hearsay lang ang mga paratang na sangkot siya sa kickbacks mula sa infrastructure projects at wala umanong konkretong ebidensya o tiyak na akusasyon laban sa kanya.


Inakusahan si Angara ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon inquiry na tumanggap umano siya kasama sina Sen. Jinggoy Estrada at dating Sen. Grace Poe ng kickbacks mula sa flood control projects na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Ayon sa affidavit ni Bernardo, tumanggap daw ng “deliveries” ang DepEd Undersecretary Trygve Olaivar, dating staff ni Angara, na katumbas ng 12% ng proyekto. Mariin itong tinanggi ni Angara at sinabing hindi siya nasangkot sa anumang korapsyon sa loob ng 20 taon niyang serbisyo publiko.


Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi kailangang magbitiw si Angara kung alam niyang wala siyang ginawang mali. Ito’y kasunod ng pag-alis nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman, na sinasabing boluntaryo pero kinontra ni Bersamin, na sinabing “told to go” daw siya.


Umiinit ang isyu matapos akusahan ni dating kongresista Zaldy Co ang pangulo ng irregular insertions sa 2025 budget, at matapos sabihin ni Sen. Ping Lacson na maaaring na-“misrepresent” ang pangulo ng dating PLLO chief Adrian Bersamin, na kamag-anak ng nag-resign na Executive Secretary.
Si Angara ay dating chair ng Senate finance committee bago maging DepEd secretary noong mid-2024. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *