Ang Pilipinas ay malaya, at ang mga hakbang nito ay ginagabayan ng national interest

Binara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang mga insidente sa West Philippine Sea ay “pakana” ng ibang bansa.
Ayon sa DFA, dapat kilalanin ng China na ang Pilipinas ay isang malayang bansa na kumikilos para sa sariling interes.
Matatandaang inihalintulad ng China sa isang “shadow play” ang girian sa WPS at nagbabala na ang mga nagpapagamit bilang “chess piece” ay “itatapon din.”
Pero sagot ng DFA, kahit anong “palaisipan” ang gawin ng China, hindi nito matatakpan ang tunay na isyu—ang hindi nito pagsunod sa international law, partikular ang 1982 UNCLOS at 2016 Arbitral Award.
Nanawagan ang DFA sa lahat ng bansa na umiwas sa mga hakbang na nagpapalala lang ng tensyon sa rehiyon. | via Lorencris Siarez | Photo via rosaritoindustries.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *